MAHIGIT 100 KATAO, NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 KASABAY NG 3-DAY STATIC DISPLAY NG 5th ID, PA

Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 118 indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa isinagawang 3-Day Startroopers Static Display ng 5th Infantry Division na nagsimula noong April 8 at natapos kahapon, April 10,2022 sa isang mall sa Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Base sa datos, tatlumpu (30) ang nagpabakuna sa edad 5-11; dalawampu’t anim (26) na adults ang naturukan ng first dose; isang (1) adult para sa second dose; at 61 naman ang nagpa-booster shot.

Matatandaan na isinagawa ang nasabing programa para sa month-long celebration ng ika-41 anibersaryo ng 5th Infantry Division at bilang paggunita na rin sa ika-80 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Itinampok din sa Static Display ang mga naging tagumpay ng 5ID sa pagsugpo ng mga mga komunistang makakaliwang grupo sa Northern Luzon at maging ang naging ebolusyon ng uniporme ng Hukbong Katihan sa nakalipas na mga dekada.

Facebook Comments