Dalawang transmission lines ng NGCP, nasira dahil sa Bagyong Agaton

72

Dalawang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NCGP) ang naapektuhan ng paghagupit ng Bagyong Agaton.

 

Ayon sa NGCP, kabilang sa nasira ay ang 138kV Ormoc-Maasin Lines 1 at 2.

 

Apat na steel towers ng naturang transmission lines ang nasira dahil sa pagguho ng lupa.


 

Dahil dito nakakaranas ng kawalan ng suplay ng kuryente ang buong Bohol.

 

Naka-deploy na ang NGCP ng mga tauhan para makapagsuplay ng kuryente ang Ormoc-Maasin line sa Bohol.

 

Fully restored naman ang power transmission services sa Southern Leyte.



Facebook Comments