Mahigit 100 katao, patay sa pagtama ng kidlat sa India

(Photo: Piyal Adhikary/EPA)

Hindi bababa sa 107 katao ang nasawi sa pagtama ng kidlat sa northern at eastern India sa gitna ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa mga opisyal, nasa 83 katao ang nasawi sa eastern state ng Bihar nang tamaan ng kidlat habang 24 naman ang mula sa northern state ng Uttar Pradesh habang nasa isang dosena ang nagtamo ng pinsala.

Bagama’t karaniwan na sa India ang pagtama ng kidlat sa gitna ng tag-ulan tuwing buwan ng Hunyo hanggang Setyembre, isa raw ito sa may pinakamataas na bilang ng namamatay kada araw na naitala ngayong taon.


Nagbabala naman si Bihar’s disaster management minister Lakshmeshwar Rai na maaari umanong tumaas pa ang bilang ng mga nasawi habang hinihintay pa nila ang casualty reports mula sa mga tinamaang estado.

Naiulat din na nagmula sa northern at eastern districts ng Bihar ang mahigit sa kalahati ng mga nasawi.

Ang iba ay mula naman sa mga distritong malapit sa Nepal border at holy city ng Prayagraj.

Ayon sa local India Meteorological Department office, aasahan ang malakas na pag-ulan sa Bihar sa darating na Biyernes at Sabado.

Buong puso ring ipinahatid ng prime minister ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga namatay at nangakong magbibigay ng tulong ang pamahalaan.

Samantala, ayon sa National Crime Records Bureau, 2018 nang maitala ang may pinakamataas na bilang ng mga namatay sa pagtama ng kidlat na mayroong mahigit 2,300 kataong binawian ng buhay.

Facebook Comments