Mahigit 100 madre sa isang kumbento sa Quezon City, nagka-COVID

Nasa ilalim na ng granular lockdown ang isang kumbento na Religious of the Virgin Mary convent na matatagpuan sa N. Domingo Street sa Barangay Kaunlaran sa New Manila, Quezon City makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 103 madre sa naturang kumbento.

Sinasabing maaaring nakuha umano ang virus mula sa isang driver o messenger.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasailalim sa swab test ng City Epidemiology and Surveillance Office sa 300 mula sa 400 mga madre sa naturang kumbento matapos maka-close contact ang unang nagka-COVID sa naturang establisyimento.


Una nang naka-lockdown ang isang ampunan sa Quezon City nang makumpirmang may 122 indibidwal dito ay nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments