Pagbili ng medical supplies ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan Law, naayon sa batas – COA

367

Kinumpirma ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo na may exemption sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang pagbili ng face masks at Personal Protective Equipment (PPE) sa ilalim ng Bayanihan Law 1.

Sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Aguinado na ang exemption ay laman ng resolusyon ng Government Procurement Policy Board (GPPB) na inisyu noong April 6.


Pero sinunod pa rin aniya ng Department of Budget and Management – Procurement Service (DBM-PS) ang mga probisyon ng procurement law.

Nilinaw rin ni Aguinaldo na hindi na requirement base sa GPPB resolution ang pagkakaroon ng tatlong bidders dahil ang kailangan lang ay most advantageous price at may kakayahang mai-deliver ang items.

Una nang sinabi ni Aguinaldo sa Senate Blue Ribbon hearing na pinapayagan ang pangulo na mag-utos ng agarang procurement.

Facebook Comments