Mahigit 100 mga sundalong atleta, sasabak sa gagawing 30th SEA Games

Aabot sa 127 sundalong atleta ang maglalaro para sa gaganaping 30th South East Asian o SEA Games sa bansa.

Ayon kay AFP spokesperson Captain Jonathan Zata, ang mga sundalong atleta ay makikipagpaligsahan para sa mga larong arnis, athletics, badminton, baseball, boxing, cycling, diving, jiu jitsu, lawn bowl, netball, paralympics, rowing, sailing, sepak takraw, shooting, soft tennis, softball, taekwondo, triathlon, volleyball, weightlifting at wrestling.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Noel Clement matindi ang ginawang pagsasanay ng mga sundalong ito at umaasa siyang magtatagumpay sila sa kanilang mga laro.


Bukod sa 127 na sundalong atleta, nasa 300 mga sundalo na kabilang sa emergency preparedness and response teams ang ideneploy rin para sa SEA Games.

Facebook Comments