Manila, Philippines – Mahigit 100 na mga motorista ang nahuli sa CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lumabag sa unang araw ng implementayson ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).
Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, karamihan sa mga nahuli ay mga nagmamaneho ng motorsiklo at pampasaherong sasakyan.
Aniya, makatatanggap ng abiso ang mga lumabag sa loob ng dalawa o tatlong araw at pagbabayarin sila ng P5,000 multa.
Sa ilalim ng ADDA, mahigpit na ipagbabawal ang pagpapadala ng mensahe, pagsagot ng tawag, paglalaro ng anumang mobile games, panonood ng pelikula, pag-browse ng internet.
Papayagan lang ang paggamit ng cellphone kung may emergency calls o gagamitin ang gadget bilang navigational device.
Maaari ring gamitin ang mobile device kung ito ay hands free o nasa speaker mode.
*