Mahigit 100 motorsiklo, idinonate ng Honda Philippines Inc. sa Philippine Red Cross

Naniniwala ang pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) na napakalaking tulong ang 104 na motorsiklo na ido-donate ng Honda Philippines Incorporated sa PRC upang magamit sa paghahatid ng mga nangangailangan ng dugo sa oras ng emergency ngayong nararanasan ng mga Pilipino ang kakulangan ng dugo dahil krisis dulot ng COVID-19.

Nakatakdang magsagawa ng turnover ceremony mamayang 12:30 ng hapon sa tanggapan ng PRC-National Headquarters, 37 EDSA cor., Boni Avenue, Mandaluyong City kung saan mismong si Mr. Susumu Mitsuishi, President Honda Phil Inc., ang mag-aabot ng donasyon na 104 na motorsiklo para magamit sa pagde-deliver ng dugo sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong ng PRC.

Inaasahan na dadaluhan ni PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon ang naturang seremonya kung saan ay malaking maiaambag nito sa mga Pilipino na hikahos sa buhay at hindi kayang bumili ng dugo.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang PRC sa lahat ng mga opisyal ng Honda Philippines Inc. sa kanilang naiambag na mga motorsiklo upang magamit ng mga responder sa paghahatid ng mga dugong kakailanganin sa mga tinatamaan ng COVID-19.

Facebook Comments