Mahigit 100 na mga surfers mula sa 20 na mga bansa ang sasali sa 23rd Siargao International Surfing Cup na bubuksan ngayong araw sa Cloud 9, Gen. Luna, Surigao Del Norte. Ayon kay Ivonnie Dumadag, ang concurrent Provl. Tourism Officer kabuuang 112 mga surfers ang nagkumpirma sa pagsali sa kompetisyon ngayong taon lalo na’t nagkaroon ng upgrade sa World Surf League sa qualifying points, mula QS 1,500 ngayon ito’y QS3,000 na, kasama na rin ang dinagdagang papremyo na kabuuang umabot sa US $75000. Isa sa sasali ngayong taon si Sander Whittaker na naging kampeon sa nakaraang taon, kasama rin si Philmar Alipayo na naging kampeon sa 19th Siargao National Surfing Cup, ang crowd favourite na si Piso Alcala at mga surfers mula sa Estados Unidos, Australia, Indonesia, Japan at iba pa. Ang kompetisyon sa International Surfing ang magpapatuloy hanggang sa Setyembre 30.
Mahigit 100 na mga surfers mula sa 20 na mga bansa ang sasali sa 23rd Siargao International Surfing Cup na bubuksan ngayong araw
Facebook Comments