Mahigit 100 pang COVID-19 patients sa bansa, binawian ng buhay

54

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 111 na panibagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na ang total deaths sa 2,795.


4,650 din ang bagong COVID-19 cases sa bansa na umabot na sa 173,774.

Sa naturang bilang, 57,498 ang aktibong kaso at 91.4 % sa mga pasyente ang mild cases.

716 naman ang mga gumaling sa sakit kaya ang total recoveries ngayon sa bansa ay 113,481.

Samantala, 9,959 na ang bilang ng mga Pilipino mula sa 72 na mga bansa ang tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 26 new cases.




3,358 ang active cases habang ang total recoveries ay 5,868 makaraang madagdagan ng walo.

Pito naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay 733.

Facebook Comments