
Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 125 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang dependents matapos maipit sa giyera sa Middle East.
Sila ay dumating sa bansa sakay ng limang magkakahiwalay na commercial flights.
Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sunud-sunod na chartered flights sa harap ng pagdagsa ng mga Pinoy na tumatawid sa land crossings sa Gitnang Silangan.
Partikular na lilikas ang mga Pinoy mula sa Bahrain, Kuwait, Qatar, at Israel.
Sa ngayon, patuloy na nakaabang sa land crossings ang mga tauhan ng DMW at OWWA para mapabilis ang pagproseso ng mga dokumento ng mga Pinoy na lumilikas sa mga karatig na bansa sa Middle East.
Facebook Comments










