Kinumpirma ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na sa kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID -19, mahigit isang daan dito ay nakatalaga sa Cebu.
Sinabi ni Gamboa na simula June 21, 2020, umabot na sa 499 pulis ang positibo sa COVID -19, 122 rito ay mula sa Cebu.
Pero sa bilang na 499 na positive sa virus, 288 ay gumaling na.
Nakatalaga rin sa Cebu ang huling pulis na naitalang nasawi dahil sa COVID-19 na ngayon ay umakyat na sa kabuaang 8 ang mga nasawing pulis dahil sa virus.
Dahil dito, sinabi ni Gamboa na minamadali na nila ang pagkuha ng accreditation para makapagpatayo ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) sa Cebu.
.
At habang wala pang RT-PCR, may mga accredited facilities ang tumitingin sa mga pulis na positibo sa COVID-19 katuwang ang PhilHealth.
Una nang iniutos ni Gamboa ang pagdedeploy ng karagdagang 100 pulis sa Cebu para tumulong sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), ito ay dahil sa limitadong bilang ng mga pulis sa Cebu dahil ang iba ay infected na ng virus.