Mahigit 100 sakong supply ng bagong aning bigas dumating kagabi sa Kadiwa Store mula sa Talavera Nueva Ecija

Umaabot sa 120 sakong supply ng bagong aning bigas ang dumating kagabing alas dies sa Kadiwa Store sa Tanggapan ng Department of Agriculture (DA) Quezon City.

Ang naturang bigas ay bahagi ng programa ng DA na mag-alok ng murang bigas sa mga mahihirap na Pilipino.

Ayon sa DA ang bagong aning bigas na dumating kagabi mula sa Talavera Nueva Ecija ay ibibenta lamang sa halagang ₱45 kung saan pinapayagan ang mga mamimili na bumili ng magandang klaseng bigas ng 3 kilo lamang.


Naniniwala ang DA na malaking tulong sa mga mahihirap na Pilipino ang murang bigas pero magandang klase upang makaagapay naman sa mga pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Facebook Comments