Marawi City, Philippines – Umabot na sa higit 100 na sibilyan na ang nakatawid sa binuo ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ‘peace corridor’.
Ayon kay Implementing Panel for the Bangsamoro Peace Accords Chairman Irene Santiago – nasa 134 na sibilyan na ang nailayo sa warzone matapos ang13-araw.
Sinabi naman ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Asec. Dickson Hermoso – matapos pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na itatag ang ‘peace corridor’, nagpadala ang gobyerno at MILF ng emisaryo sa mga terorista para makipagnegosasyon kung pwedeng magligtas ng sibilyan.
Ayon naman kay MILF implementing Panel Member Marjanie Macasalong – ang kanilang miyembro ang nagsusundo sa mga sibilyang naiipit sa bakbakan.
Ang ‘peace corridor’ ay nagsisilbing ‘tulay’ kung saan pwedeng tumawid ang mga magbibigay ng humanitarian aid sa mga naipit sa bakbakan sa Marawi City.
Ito’y may habang tatlong kilometro kung saan pinagbawalan itong kunan ng larawan at video pati na rin ang warzone.
DZXL558