Mahigit 100 supporters ni PBBM, nag-rally sa harap ng Senado para ipanawagan sa pangulo at sa Senado na papasukin sa bansa ang ICC

Mahigit 100 ang nag-rally sa harap ng gate ng Senado kaninang umaga na mga nagpakilalang supporters ni Pangulong Bongbong Marcos.

Suot ang t-shirt na kulay pula na siyang kulay ng Marcos administration na may mukha ng pangulo, nananawagan ang mga ito kay Pangulong Marcos na papasukin na ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) para malitis at maipakulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng mga kaso nitong may kaugnayan sa madugong ‘war on drugs’.

Kasapi ng grupong Isang Bansa ang mga nag-rally sa gate ng Senado na mula sa Batanes hanggang Tawi-tawi at humihingi ang mga ito ng hustisya para sa mga biktima ng madugong gyera kontra iligal na droga.


Iginiit ni Winnys Oseo Bataller, myembro ng grupo, na dapat sumang-ayon din ang mga senador na kadikit ni Duterte partikular si Senator Ronald Bato dela Rosa na papasukin na sa bansa ang ICC.

May mga bitbit din na tarpaulin ang mga supporters ni PBBM na ikinabit sa railings sa harap ng gate ng Senado kung saan may litrato ni Duterte at nakalagay dito ang katagang “Welcome ICC, Goodbye Duterte” at may isa pang tarpaulin din na nasa rehas na magkakasama sina Duterte, Vice President Sara Duterte, Senator Bong Go, Senator dela Rosa, Pastor Apollo Quiboloy at mga dating myembro ng gabinete na sina Atty. Harry Roque at Atty. Salvador Panelo.

Facebook Comments