Mahigit 1,000 empleyado, nasibak sa panahon ng pamumuno ni Sec. Bautista

Abot sa 1,200 na workers ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasibak sa pwesto sa ilalim ng pamumuno ni DSWD Secretary Rolando Bautista.

Ayon kay Manuel Baclagon, National President ng SWEAP o Social Welfare Employees,  marami umanong manggagawa ng  DSWD ang limang buwan ng walang sweldo habang ang iba nilang benipisyo ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap.

Nais man nilang kausapin ang kalihim, sinabi ni Baclagon na maging silang taga DSWD na ay pahirapan nang makausap si kalihim Bautista.


90 percent ng mga empleyado ng DSWD ay mga contractual o mga hindi regular.

Base naman sa datus ng grupong COURAGE aabot sa 800,000 manggagawa ng pamahalaan ang mga contractual employees.

Facebook Comments