Mahigit 1000 Facebook accounts ng PNP, nananatiling operational

Ipinagmalaki ng Philippine National Police o PNP na dininig ng social media giant na Facebook ang kanilang ginawang apela.

Ito ang dahilan kaya’t nananatiling operational ang nasa mahigit 1000 Facebook accounts na pinangangasiwaan ng PNP.

Pero mula sa kabuuang 1,585 na social media pages ng PNP, sinabi ni PNP Chief Pol. Gen. Camilo Cascolan na hindi lahat ay mayroong engagement sa mga netizen.


Gayunman, tiniyak ng PNP Chief na mahigpit naman nilang sinusunod ang itinakdang standards ng Facebook hinggil sa tamang paggamit ng social media pages.

Kasunod nito, sinabi rin ni Cascolan na natanggap na ng Trust and Safety Manager ng Facebook Asia Pacific na si Rob Abrams ang kanilang request na ibalik ang natanggal nilang accounts at hinihintay na lang nila ang magiging sagot nito.

Magugunitang tinanggal kamakailan ng Facebook ang mahigit 200 Facebook accounts na kontektado sa Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin sa PNP dahil sa hindi umano nito pagsunod sa kanilang community standards.

Facebook Comments