Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,236 na panibagong kaso ng human immunodeficiency virus o HIV noong Pebrero.
Batay sa datos ng HIV and AIDS Registry of the Philippines, 96% sa mga tinamaan ng sakit ay mga lalaki habang apat na porsiyento ay mga babae.
Ayon sa DOH, lumalabas na 47 ang naitatalang kaso ng HIV kada araw, kung saan 44 na ang naitalang namatay dahil sa impeksyon.
Pakikipagtalik pa rin ang karaniwang paraan upang mapasa ang impeksyon sa iba.
Facebook Comments