Higit pisong taas-presyo sa gasolina, sasalubong sa mga motorista sa Semana Santa

Matapos ang dalawang magkasunod na rollback, taas-presyo naman sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong Semana Santa.

Sa pagtaya ng mga taga-oil industry, maglalaro sa P1.30 hanggang P1.60 ang posibleng dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Trenta sentimos hanggang singkwenta sentimos naman ang inaasahang increase sa diesel habang bente sentimos hanggang kwarenta sentimos sa kerosene.


Bukas, ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang official price adjustment na karaniwang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments