Umabot na sa 317 pamilya o 1,282 indibidwal ang nananatili ngayon sa mga 11 evacuation centers sa Batangas kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal kahapon.
Bukod dito, may 28 pamilya o 110 indibidwal ang pinili namang manatili sa kanilang mga kamag-anak.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni National Disaster Risk Eduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, posibleng lumobo sa mahigit 14,000 indibidwal ang lilikas sakaling lumala pa ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Samantala, nagsasagawa na rin ng pre-emptive evacuations ang 13 barangay mula sa mga bayan ng San Nicolas, Laure, Agoncillo, Taal, Tanauan City at Balete.
Pinuri rin naman ng NDRRMC ang maagap na pagtugon ng mga local government unit matapos ang pagsabog ng bulkan.