Mahigit 1,000 indibidwal na patuloy na tumatanggap ng PNP pension, fake claimants ayon sa PNP

Nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) na 1,027 indibidwal ang patuloy na tumatanggap ng PNP pension fund kahit hindi sila kwalipikadong benepisyaryo.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, sa ngayon inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso sa mahigit isang libong indibidwal na nagpanggap na lehitimong PNP pensioners.

Ginagawa na rin aniya ang lahat para maibalik sa PNP ang nakuhang pera ng mga fake claimants.


Batay sa rekord ng PNP hanggang nitong May 18, 2020, mayroong kabuuang 7, 388 na mga pensioners ang na-account ng Police Regional Office track-care teams at nadiskubre nilang ang 1,027 na tumatanggap ay hindi qualified.

Natukoy ng PNP na ang mga disqualified beneficiaries ay namatay na noong taong 2012 at ang iba ay muling nag-asawa noon pang taong 2003 pero nakakatangap pa rin ng pension.

Matatandaang una nang iniutos ni PNP Chief ang nationwide accounting sa mahigit 21,000 pensioners na hindi nakapag-update ng kanilang status simula 2019.

Facebook Comments