Inihayag ngayon ng Pasay City Government na umakyat na sa 1,140 na mga indibidwal ng booster shot habang pinakamarami sa 2nd booster shot sa senior citizen na umaabot sa 771 at sa healthcare workers ay 295 na mula ng inilunsad para sa mga kwalipikadong pasyente.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano umaabot na sa halos 100,000 ang tumanggap ng unang booster shot na umaabot sa 99,489 indibidwal habang umakyat naman ng 784,096 ang naipamahagi ng Lokal napamahalaan ng lungsod.
Paliwanag ni Calixto-Rubiano na mahalaga ang pagpapabakuna ng booster shots lalong lalo na maraming mga bagong mga variant ng virus ang pumapasok sa bansa na dapat mayroong proteksyon ang bawat indibidwal.
Umapila ang alkalde sa mga residente na magpabakuna na dahil malaking maitutulong umano ito upang mabigyan ng proteksyon ang bawat mamamayang Pilipino.