Mahigit 1,000 kabataan na may comorbidity, nabakunahan na kontra COVID-19

Mahigit 1,000 na mga kabataan na may comorbidity ang nabakunahan kontra COVID-19 sa unang araw ng pediatric vaccination.

Batay sa Department of Health – National Vaccine Operations Center (DOH-NVOC), umabot sa 1,153 kabataan na may edad 12 hanggang 17 ang nabigyan na ng bakuna.

Karamihan sa mga ito ay nabakunahan sa Philippine Heart Center, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center-Global City at Pasig City Children’s Hospital.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layon ng pediatric vaccination na maproteksyonan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Hinikayat din ng kalihim ang mga magulang at mga kabataan na makilahok sa pagbabakunang ito.

Una nang sinabi ng DOH na 1.2 milyong kabataan na may comorbidity ang target nilang mabakunahan kontra COVID-19 sa buong bansa.

Facebook Comments