Manila, Philippines – Umabot sa mahigit isang libong kilograms na karne na walang Health Clearance ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang maprotektahan ang mga Pilipino mula sa tinatawag na African Swine Fever o ASF.
Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, umabot sa kabuuang 1,151 kilograms ng mga karne na walang Health Clearance ang nasabat ng BOC sa NAIA.
Nagsimula ang outbreak ng African Swine Fever ngayong January 2019, kung saan kabuuang 1,151 kilograms ng karne na walang Sanitary at Phytosanitary clearance ang naitala sa NAIA Terminals.
Bilang Customs Frontliners at Operatives, nagpatuloy ang isinasagawang inspection sa mga X-ray baggage at binabantayan ang borders laban sa posibleng pagpasok ng mga Meat products mula sa 13 na bansang apektado ng African Swine Fever gaya ng China, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, and Zambia.
Paliwanag ni Guerrero, tuloy-tuloy ang mahigpit na pagbabantay upang protektahan ang industriya sa anumang posibleng swine and agricultural epidemic.
Dagdag pa ng opisyal, noong nakaraang taon mula sa buwan ng June hanggang December 2018, bago ang outbreak ng ASF, umaabot sa 5,302 kilograms ng produktong na walang FDA at BAI clearance ang nailipat na sa BAI Quarantine Division sapamamagitan ng Customs NAIA para sa proper disposal.