Mahigit 1,000 Katao, Nanawagan kay Pangulong Duterte na Pirmahan ang FTAA ng Oceana Gold Phils.

*Cauayan City, Isabela*- Sabay-sabay na nagprotesta sa harap ng Palasyo ng Malacañang ang may mahigit sa 1,000 katao upang ipanawagan ang kanilang sentimiyento kaugnay sa renewal ng FTAA ng Oceana Gold Philippines Inc. na nakabase sa Kasibu, Nuea Vizcaya.

Ayon kay Simplicia Annanayo, President ng Didipio Community Development Corporation, kanilang ipinapanawagan na sana ay pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang FTAA renewal para sa muling pagbabalik operasyon ng nasabing kumpanya.

Aminado naman ito na hindi madali ang pag organisa ng grupo pabor sa pagbabalik operasyon ng Oceana Gold Phils. pero dahil karamihan sa mga residente sa lugar ay mas aktibibong nananawagan na mapirmahan na sa lalong madaling panahon ang renewal na matagal ng nakabinbin sa tanggapan ng Pangulo.


Dagdag pa ni Annanayo, posibleng mawalan ng trabaho ang mga manggagawa kung tuluyang hindi mapipirmahan ni Pangulong Duterte ang renewal nito dahil karamihan sa mga ito ay nabago umano ang takbo ng kanilang pamumuhay simula ng mag umpisa ang operasyon ng minahan.

Matatandaang inendorso ng tanggapan ng Mines and Geosciences ang kumpanya ng minahan dahil ‘well and good’ ang pagpapatakbo sa minahan.

Facebook Comments