Mahigit 1,000 mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Associations sa Pasay, nabigyan ng hygiene kits

Umaabot sa 1,295 na mga miyembro ng mga Jeepney Operators and Drivers Associations (JODA) sa Pasay ang tumanggap ng mga hygiene kits ngayong araw.

Batay sa ulat ng Pasay City Information Office, ang hygiene kits ay binubuo ng alcohol, face masks, face shields at iba pang essential na pangangailangan mula sa Pasay City Government.

Ang pamimigay ng hygiene kits ay bahagi pa rin ng COVID-19 response ng lokal na pamahalaan ng Pasay para protektahan ang mga mamamayan laban sa virus at tulungan ang iba’t ibang sektor na makabangon mula sa epekto ng pandemya.


Ang distribusyon ng mga ito ay pinangasiwaan ng mga tauhan ng Mayor’s Office na ginanap sa pasilidad ng School for the Blind.

Facebook Comments