Mahigit 1,000 miyembro ng criminal gang, nahuli ng mga tauhan ng PNP ngayong election period

39

Aabot sa 1, 150 na miyembro ng criminal gang ang naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ngayong panahon ng eleksyon.

Batay ito sa kanilang datos mula January 9 hanggang March 31, 2022.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, bilin nya kanyang mga tauhan na mahigpit na magbantay at tiyaking magiging maayos at ligtas ang eleksyon.


Kasama rito ang pinaigting na kampanya kontra “loose firearms” at criminal gangs.

Samantala, bukod sa mga naaresto, mayroon ding 40 miyembro ng criminal gang ang sumuko.

Narekober sa mga sumuko ang 143 na armas sa kanilang mga operasyon.



Facebook Comments