Mga opisyal ng LGU, inaasahang tatalon sa kampo ng mga kandidato sa pagkapangulo na nangunguna sa survey

826

Inaasahan ni Senate President Franklin Drilon na sa susunod na mga araw ay tatalon na ang mga opisyal ng Local Government Units (LGUs) sa kampo ng mga kandidato sa pagkapangulo na patuloy ang pag-angat sa mga survey.

Buo ang paniniwala ni Drilon na ang survey ratings ay pinapatunayan ng actual warm bodies on the ground o bilang ng dumadaming supporters na nagtutungo sa political rallies ng mga kandidato.

Direktang tinukoy ni Drilon si Vice President Leni Robredo na tumaas sa pinakahuling Pulse Asia survey o tumalon sa 25% na ratings nitong Marso mula sa 15% noong Pebrero.


Dahil dito ay tiwala si Drilon na mas marami pang opisyal ng LGUs ang sasama sa “Pink Movement” ni VP Robredo.

Facebook Comments