Mahigit 1,000 MMDA personnel, ide-deploy sa paligid ng Batasan Complex sa unang SONA ni PBBM

38

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakahanda na ang kanilang mga tauhan para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hulyo 25 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Ayon sa MMDA, nasa 1,133 Personnel ang ide-deploy na kinabibilangan ng traffic enforcers, road emergency group personnel, motorcycle patrol units, at sidewalk clearing operations group.

Magde-deploy rin ng ambulansya, tow trucks, fire trucks, mobile patrol units at motorcycle units.


Inaabisuhan naman ang mga motorista na umiwas muna sa mga kalsadang nasa paligid ng Batasan Complex upang maiwasan na maipit sa trapiko.

Facebook Comments