Regional Organic Agriculture Congress, Pinaghahandaan na ng DA-CVRC

15
Cauayan City, Isabela-Bilang paghahanda sa 5th Regional Organic Agriculture Congress ay isinagawa ang Organic Agriculture Industry Council Meeting ng Department of Agriculture-Cagayan Valley Research Center (DA-CVRC) nitong Huwebes, July 21, 2022 sa City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina Ginoong Narciso Edillo, Regional Executive Director ng Department of Agriculture Region 2 at Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extensions katuwang si Engr. Rolando Pedro, Manager ng DA-CVRC.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang opisyales ng DA-CVRC na in charge sa organic agriculture at maging ang mga organic farmers/practitioners mula sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan and Nueva Vizcaya.

Layunin ng nabanggit na aktibidad na talakayin ang mga gagawing paghahanda para sa 5th Regional Organic Agriculture Congress na tinatayang isasagawa sa September 8-9, 2022 at bilang paggunita na rin sa selebrasyon ng Organic Agriculture Month.

Facebook Comments