Isinagawa ang absentee voting ng mga kapulisan noong April 28,2022.
Ito ay mula sa kabuuang 1,831 na bilang ng PNP “Approved Absentee Voters” sa Lambak ng Cagayan.
Mula sa bilang, umabot sa 248 o 43.05% na ang nakaboto sa hanay ng Cagayan Police mula sa 576 bilang ng mga approved absentee voters; 57 o 100% naman ang Batanes PPO; 352 o 97.78% sa Isabela PPO; 180 o 92.78% sa Quirino PPO; at 290 o 98.64% sa Nueva Vizcaya PPO.
Nasa 152 na botante naman ang mula sa Santiago City Police Office habang ang 19 na kapulisan ng Regional Headquarters; 146 sa Regional Support Units (RSUs); at 33 sa Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB 2).
Patuloy naman ang mahigpit na paalala ni PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan sa lahat ng kapulisan sa rehiyon na maging alerto at mapagmatyag sa pagpapanatili ng seguridad sa buong rehiyon upang masiguro ang maayos at ligtas na eleksyon.