Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na umaabot sa mahigit 1,000 reklamong vote buying ang natanggap nila.
Ito ay sa pamamagitan ng Kontra Bigay Facebook at email channels ng COMELEC kaugnay ng idinaos na halalan nitong May 9, 2022.
Gayunman, karamihan sa mga nag-report ng vote buying ay takot na magtestigo
Tiniyak naman ni COMELEC Spokesperson Atty. Rex Laudiangco na inaaksyunan na ito ng kanilang Law Department
Oras aniyang may makita silang sapat na ebidensya ay agad na isasampa ang kaso sa korte kung saang lugar naganap ang election offense o ang vote buying.
Facebook Comments