Vice President Leni Robredo, tiniyak ang kahandaan sa transition kay Vice President-elect Sara Duterte

120

Nagpaabot ng pagbati si Vice President Leni Robredo kay Vice President-elect Sara Duterte sa pagkapanalo nito sa katatapos na Vice presidential race.

Ito ang tugon ng tanggapan ng pangalawang pangulo matapos sumulat ang kampo ni Duterte kay Robredo na humihiling ng pulong para sa maayos na transition.

Ayon sa liham ni Robredo, nakahanda silang sagutin ang lahat ng mga tanong ng magiging susunod na pangalawang pangulo tungkol sa kanilang mga trabaho.


Ang Chief of Staff ni Robredo na si Philip Dy, ang inatasan na magtakda ng pulong sa susunod na bise presidente.

Facebook Comments