Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng monitoring ang DOLE-Cagayan Field Office (CFO) sa abuuang 1,081 na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Displaced Workers o TUPAD program na inimplimenta sa mga Bayan ng Santa Ana at Iguig, Cagayan.
Ito ay upang tiyakin na ang pagseserbisyo o trabaho ng mga naturang benepisyaryo ay nagagawa nila ng pare-pareho at kung ang mga manggagawa ay sumusunod sa health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng kani-kanilang Personal Protective Equipment o PPEs at kung inoobserbahan ang proper distancing.
Ang isinagawang aktibidad ay layong masukat ang pagiging epektibo ng naturang programa na ipinatutupad sa kani-kanilang lugar at para matukoy ang mga hinaing o problema ng mga TUPAD Workers upang ito ay matugunan ng ahensya.
Facebook Comments