Pondo para sa fuel subsidy ng mga tsuper at transport operators, hindi pa mailalabas ng DBM

138

Hindi pa mailalabas ang pondo para sa mga tsuper at transport operators dahil wala pang guidelines sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Officer-in-Charge Sec. Tina Rose Canda, dapat ay may nabuong guidelines ang DBM, Department of Energy (DOE), at Deparment of Transportation (DOTr) alinsunod sa isinasaad ng batas.

Dahil dito ay inirerekomenda ng DBM sa DOTr na alisin na lang sa framework ng dating programa sa pamimigay ng ayuda at lagyan ng pagbabago.


Tiniyak naman ni Canda na kapag may guidelines na ay mabilis na lang para sa DBM na makapagpalabas ng pondo dahil kaya itong gawin sa loob lamang ng isang araw.

Samantala, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ₱3 bilyong ayuda para sa mga tsuper at magsasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Facebook Comments