Libo-libong manggagawa na apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang nabigyan na ng ayuda ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, umabot na sa 102,855 na formal workers ang nabigyan ng tulong pinansiyal at ito ay nagkakahalaga ng 514 milyong piso.
Habang nabigyan na rin ng ayuda ang aabot sa 72,703 informal workers na nagkakahalaga naman ng 107 milyong piso.
Magpapatuloy ito hanggang April 14 hanggang maabot ang target na 579 milyong piso para mga formal workers.
Ang COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP) ay alinsunod sa Department Order 209-2020 kung saan nakapaloob ang 1.3 bilyong pisong alokasyon para sa mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19.
Facebook Comments