Mahigit 100,000 Senior Citizen sa Cagayan Valley, Tumanggap na ng Social Pension

95

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 101,713 na senior citizen ang inisyal na napagkalooban ng tulong pinansyal sa ilalim sa Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2.

Ayon kay Regional Information Officer Brendan Jansen Tangan, ang nasabing pension ay sakop ang ikalawang semester para sa buwan ng Setyembre 2020 hanggang sa buwang ito.


Aniya, nasa P305,139 milyon ang naipamahagi ng pension sa lahat ng senior citizen sa buong lambak ng Cagayan.

Samantala, nasa 63 Centenarian na ang napagkalooban ng P100,000 bawat isa na bahagi ng programa ng ahensya.

Kasalukuyan pa rin ang pamamahagi ng tulong sa mga senior citizen hanggang sa makumpleto ang bilang ng mga benepisyaryo nito na 218,659 sa buong rehiyon.

Facebook Comments