Mahigit 10K na mga Health Frontliners ang naserbisyohan ng DOTr sa libreng sakay

Umabot na ng 10,565 Health Frontliners ang nag benepisyo sa libreng sakay ng Department of Transportation o DOTr simula ng ipatupad ang DOTr FREE RIDE for HEALTH WORKERS Program dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Luzon.

Noong March 18, kung saan nag simula ang nasabing programa ng DOTr ay mayroon lang itong tatlong ruta, pero noong Sabado nasa 19 routes na ito.

Ang nasabing hakbang ng DOTr ay bahagi ng kanilang tulong sa kawalan ng masasakayan ng mga Heath Workers o Frontliners na pumapasok pa rin sa mga ospital dahil sa pag suspende ng public transportation dahil sa ECQ.


Ayon sa pamunuan ng DOTr sa 19 routes na kanilang libreng sakay ay halos sakop na ang buong area ng Metro Manila.

Nag sisimula ang pagbiyahe ng mga bus mula alas-singko ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi araw-araw.

Tiniyak naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade, na sinusunod nila ang protocols na ipinatutupad ng Departement of Health o DOH kaugnay sa precautionary measures kontra COVID-19.

Facebook Comments