Mahigit 11 libo, gumaling sa COVID-19, ayon sa DFA

19

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakapagtala ngayong araw ng 11,430 na mga gumaling dahil sa COVID-19 kung saan 31 ang naitalang bagong recoveries at 38 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa 94 na mga Filipino sa ibang bansa.

18,697 ang kumpirmadong kaso kung saan 1,168 ang nasawi at 6,099 ang kasalukuyang ginagamot.


Sa Gitnang Silangan, umaabot sa 3,796 ang kasalukuyang ginagamot, 94 sa Europa, 1,240 sa Asia Pacific, at 115 sa Amerika.

Ang mga gumaling naman sa Gitnang Silangan ay 5,913 habang sa Europa 2,329, 2,561 sa Asia Pacific at 627 naman sa Amerika.

Facebook Comments