Mahigit 11,000 pulis ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad sa papalapit na semana santa.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, kabilang sa mga babantayan nila ay ang mga terminal na inaasahang dadagsain ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Maging ang mga maiiwang bahay ay babantayan din ng mga pulis katuwang ang mga force multiplier.
Nauna nang tiniyak ng NCRPO na naka-full alert sila sa paggunita ng mahal na araw.
Sa ngayon, nananatiling under control ang sitwasyon sa Metro Manila at wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad.
Facebook Comments