MAHIGIT 12 GRAMO NG HINIHINALANG SHABU NASABAT SA 2 BUY-BUST OPERATIONS SA PANGASINAN

Magkahiwalay na anti-illegal drug operations ang ikinasa ng mga awtoridad sa Dagupan City at San Jacinto na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang lalaki at pagkakasabat ng kabuuang 12.19 gramo ng hinihinalang shabu nitong Disyembre 4, 2025.

Naaresto ang isang 34-anyos na residente ng Bonuan Binloc sa isinagawang buy-bust operation ng hanay ng pulisya ng Dagupan City kung saan narekober ang 7 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na 47,600 pesos.

Samantala, ikinasa naman ng San Jacinto Police Station ang isa pang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 43 anyos na security guard at residente ng Dagupan City.

Narekober ang 5.19 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na 35,292 pesos.

Tulad ng unang operasyon, isinagawa rang on-site inventory at markings sa presensya ng mandatory witnesses at ng suspek.

Patuloy ang kampanya ng kapulisan at PDEA laban sa ilegal na droga sa buong Pangasinan upang masugpo ang distribusyon at paggamit nito sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments