Mahigit 120-K na pasaherong mag-uuwian sa Metro Manila, inaasahan ngayong araw sa PITX

Papalo ngayong araw sa 120,000 ang bilang ng mga pasaherong maguuwian sa Metro Manila na mga nanggaling sa iba’t ibang probinsya dito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Halos lahat ng mga nagbabalikan na ay mga biyaheng mula Bicol, Batangas, Laguna, Baguio, Samar at Quezon Province.

Ayon kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, ang bilang na 120,000 ay hindi ang normal average ng nasabing terminal kapag normal days.


Aniya, hindi man ito ang araw na ineexpect nila na maraming maguuwian ay may iba kasi na inagahan na ang kanilang pagbalik at ayaw ng makipagsabayan pa sa dagsa na maguuwian sa weekend.

Kung matatandaan, umabot ang mga umuwi ng kani-kanilang probinsiya nito lamang linggo dahil na rin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Samantala, ngayon nasa 45,000 na ang foot traffic ng mga gumamit sa PITX at inaasahan pang tataas ito hanggang mamayang gabi.

Patuloy namang tinitiyak ng pamunuan ng PITX na nakaantabay pa rin sa sa mga pangangailangan ng pasahero upang matiyak na komportable at ligtas ang kanilang biyahe lalo na ngayong uwian.

Facebook Comments