Records ng nagdaang BSK Elections, walang problema matapos masunog ang tanggapan ng Election Officer sa Sta. Margarita, Samar

Walang nakikitang problema nag Commission on Elections (Comelec) sa mga datos at records sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Sta. Margarita, Samar.

Ito’y matapos na masunog ang tanggapan ng Election Officer base sa nakarating na report kay Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi pa ni Garcia na natupok at nasira ang buong tanggapan pero hindi pa matukoy kung anong dahilan ng insidente.


Aniya, inaabangan pa nila ang resulta ng imbestigasyon kung saan wala naman dapat ikabahala ang publiko kung kailangan nila ng kopya.

Paliwanag ni Garcia, maraming hawak na kopya ang Election Officer na naitabi ng ibang tanggapan sa Sta. Margarita, Samar.

Facebook Comments