Mahigit 12,000 OFW, gumaling sa COVID-19 sa abroad

26

Pumalo na sa 12,093 na mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang gumaling sa COVID-19 sa ibayong dagat kabilang ang isang nakarekober.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) 142 ang bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat sa 20,422 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso.


Isa naman ang bagong nasawi kaya umabot na sa 1220 ang kabuuang nasawing OFW.

Umakyat na sa 7,109 ang kasalukuyang nagpapagaling o sumailalim sa gamutan.

Facebook Comments