Mahigit 120,000 family food packs, naipamahagi na ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng pananalasa ng Bagyong Tino

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga family food pack sa mga apektadong pamilya ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Umabot na sa 121,988 kahon ng family food packs (FFPs) ang naipadala sa mga lalawigang sinalanta ng bagyo.

Sa bilang na ito, 40,783 FFPs ang naibigay sa Caraga Region, 21,515 sa Eastern Visayas, at 25,224 sa Central Visayas.

Samantala, 1,628 ready-to-eat food packs naman ang naipamahagi ng DSWD sa iba’t ibang rehiyong hinagupit ng kalamidad.

Ayon sa ahensya, patuloy ang kanilang pagpapadala ng tulong para sa mga pamilyang nakararanas pa rin ng epekto ng Bagyong Tino.

Facebook Comments