Mahigit 120,000 indibiduwal, apektado ng pananalasa ng bagyong Ompong

Pumalo na sa 126,751 indibiduwal ang apektado ng pananalasa ng bagyong Ompong sa bansa.

Ito ay sa mga lugar sa Region 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.

Sa press briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Quezon City sa pangunguna ni Presidential Spokesman Harry Roque, tiniyak ni DSWD Secretary Virginia Orogo ang ayuda ng pamahalaan sa mga apektadong residente.


Ayon kay Orogo, nasa 724 na evacuation center sa Luzon ang kanilang tinututukan para sa pagbibigay ng relief goods.

Sa ngayon ay nasa 1.7 billion pesos ang pondong nakalaan sa mga apektado ng bagyo.

Samantala, inihayag ni Roque na nananatili sa red alert ang mga concerned agencies.

Nakahanda rin aniyang i-deploy ang 161 personnel ng NDRRMC bilang rapid response team.

Patuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na hinahagupit ng bagyong Ompong.

Facebook Comments