Mahigit 120,000 pamilya, inilikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Opong

Umaabot sa mahigit 120,000 pamilya o tinatayang 433,000 katao ang napilitang lumikas bunsod ng pananalasa ng Bagyong Opong, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD).

Sa isang pulong-balitaan, iniulat ni OCD Assistant Secretary Rafaelito Alejandro IV na umabot sa 120,888 pamilya ang nagsilikas mula sa mga lugar na tinamaan at patuloy na binabayo ng bagyo.

Pinakamaraming evacuees ay mula sa Bicol Region na umabot sa 93,000 pamilya, sinundan ng Eastern Visayas (Region 8) na may 14,945 pamilya, at MIMAROPA na may 4,676 pamilya.

Naitala rin ang 307 insidente ng pagbaha sa iba’t ibang lalawigan.

Sa ngayon, patuloy ang malawakang response operations ng OCD kabilang ang health cluster, logistics support, at mga search-and-rescue retrieval teams.

Tiniyak din ni Alejandro na sapat ang stockpile ng family food packs, at may nakahandang ₱3 bilyong standby funds na agad magagamit kung kakailanganin.

Facebook Comments