Mahigit 120,000 quarantine violators, napalaya na – DILG

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na aabot sa 124,576 quarantine violators na nahuli sa buong bansa mula nang magsimula ang pandemya ang napalaya na.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, sinasang-ayunan ng DILG ang panawagan ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa lahat ng judges na ipag-utos ang pagpalaya sa mga detained quarantine violators.

Base sa datos ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na isinumite sa DILG, kabuuang 489,044 katao ang nahuli dahil sa paglabag sa quarantine regulations at curfew rules sa buong bansa.


Sa kabuuang bilang, 175,327 o 36% ang binigyan lang ng warning at 189,190 o 38% ang pinagmulta.

Sa 124,527 na nahuli, 89,870 o 72% ang agad na pinalaya ng PNP para sa regular filing habang 34,657 ang isinailalim sa inquest proceedings at pinauwi matapos magpiyansa.

Sa ngayon, nasa 1,751 violators pa ang nakakulong na 1% lang ng kabuuang bilang ng mga lumabag sa community quarantine regulations.

Facebook Comments