Sunday, January 18, 2026

Mahigit 12k deboto, dumagsa sa Sto. Niño de Tondo Church ngayong Linggo ng umaga

Patuloy ang pagdagsa ng mga debotong nakikiisa sa Kapistahan ng Señor Sto. Niño sa Tondo, Maynila.

Apaw na sa labas ng simbahan ang mga nagsisimba, kung saan karamihan ay mga mag-anak na kasama ang kanilang mga anak at bitbit ang mga imahen ng Sto. Niño.

Pinangunahan ni Msgr. Geronimo Reyes, rector at parish priest ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño de Tondo, ang misa kaninang alas-8:00 ng umaga.

Umabot sa mahigit tatlong oras ang prusisyon at naibalik ang imahen ng Señor sa simbahan bago ang naturang misa.

Batay sa datos ng Manila Police District (MPD), umabot na sa humigit-kumulang 12,500 ang crowd estimate sa lugar.

Nananatiling mahigpit ang seguridad, kung saan nakapuwesto ang maraming pulis sa paligid ng simbahan.

Inaasahang darami pa ang mga magsisimba dahil tuloy-tuloy ang mga misa hanggang mamayang gabi.

Facebook Comments