Mahigit 13,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 13,177 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

299 naman ang bagong binawian ng buhay habang 4,322 ang bagong gumaling.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,713,302 na ang kabuuang kaso ng COVID sa bansa.


Ang aktibong kaso ay lumobo pa sa 96,395.

Ang kabuuang bilang naman ng mga gumaling ay umaabot na sa 1,587,069.

Ang total deaths ay umakyat na sa 29,838.

Facebook Comments